Wednesday, May 19, 2004

Pamatay Oras

Kailangang magsimula. Kwentong makalilibang.
Subalit papaano mo pipigain ang utak na hindi naman bihasa sa nakangiting lathala.
Bakit hindi subukan. Naaalala mo pa ba?
Si Tino yung Bikolano mong kaeskwela. Noong una’y nahalintulad mo siya sa isang karakter na pambata. Yung batang mahilig lumipad at hindi tumatanda. Natuwa ka sa kanya at sa mga sulat niya.
Pahingi naman ng papel. Gawan kita ng drawing.
Lumipas ang taon. Pagsapit ng bakasyon, naiwan ka sa Maynila.
Marahil sa sobrang pagkabagot, sa init ng panahon o sa ingay ng mga pulitiko, naisipan nyong magpalitan ng selyo.
Kamusta na? Bungad ng una niyang sulat. Siya’y tumutulong sa pagkokopra nilang mag-anak. Minsa’y lumalangoy siya sa ilog, kasama ang mga pinsan at kababata. Ika’y nagulat, natuwa at nalibang. Sino nga naman ang mag-aakala.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home