Wednesday, May 19, 2004

Kwentong Barbero

Oras nang magkape, mananghalian, magmerienda
Sa maliit na silid na parang pridyider sa lamig
Ano naman kaya ang pwedeng pagusapan?
Loner ka ba?
Hindi. Pero sa pagkain, ok lang. Mahirap kalabanin ang kalam ng tiyan.
Pasok si G.. at kanyang pinansin
Masarap pala talaga ang kape sa opisina
Madalas lang ay luma ang umaabot sa ‘ming mga mahilig magtimpla
Sumunod si T.. at sinimulang buklatin ang takeout sa KFC
Bakit nga ba kailangang pumunta?
Nagulumihanan siya sa email, pati rin pala si J..
At ito ang nag-hudyat sa mga isyu na hindi ko pa narinig na pag-usapan subalit matagal ko na ring napag-isipan
Sino nga naman ang mag-aakala
Magaling silang maglibang subalit sa tulad ko na marami nang pinagdaanan
Hindi na rin ako nagulat sa kanilang mga paratang
Subalit ano naman kaya ang patutunguhan?
Di kaya ito isang kwentong barbero lamang?

1 Comments:

At 9:13 AM , Blogger Cecil said...

hanep sa tagalog. ang lalim!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home