Friday, November 19, 2004

Pagmumuni

Gusto ko sana, tahimik na pamumuhay
Ang maging routine ang mga pang-araw-araw na gawain
Ang maging background sa set ng isang dula
Ang makapagsulat ng kolokyal,
Walang inaasahan at wala ring umaasa.

Gusto ko sanang makaguhit ng mukha ng tao
Ang hindi mapirme sa isang lugar
Ang kawalan ng materyal na hangarin
Na puno't dulo ng kakulangan at kasiraan ng karamihan.

Gusto kong ibalik ang aking natutunan sa panitikan at pilosopiya
Ang malibang sa buhay probinsya
At ang makalangoy sa anumang lalim ng tubig.
Pero ngayo't ako'y nagmumuni,
di hamak na taliwas lagi ang nangyayari.

1 Comments:

At 1:38 PM , Anonymous Anonymous said...

Grabe, idol! Galing niyo po ate! Woo-hoo!! Da best!! Woo-hoo!!!

I love it! I love this post!

Na-aadik din po ako sa Naruto...

^^

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home