Wednesday, August 10, 2005

Tag-Ulan na Naman

dahil ba sa ulan
kaya tahimik ang karamihan
kanya-kanyang pagkulong sa kwarto
nagpapakalibang sa libro

sa ganitong mga panahon
ng kulimlim at hangin
di mawaring ika'y malungkot
antukin o tamarin

kaya't kayong aking mga kaibigan
huwag damdamin ang hindi pagiimikan
pagkat ang pagiging tahimik
karaniwa'y dala lamang ng katamaran

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home