Tuesday, May 15, 2007

Lutang

Mahirap magsulat ng Tagalog lalo na't pag lutang ang nagsusulat.
Nais ko mang ihayag ang aking mga saloobin,
hindi ko pa rin lubusang matunton
ang tamang salita at bokabularyo upang ito'y salaysayin.
Parang halo-halo ang mga nakalipas na eksena.
Hindi ko akalaing muli na namang mag-iiba ang takbo ng mundo.
Kapagka nga naman nag-iba ang agos, eh mawiwindang ka talaga!
Sunod-sunod ang mga pangyayari, hindi ko na namalayang nahulog na pala ako.
Sa katunayan, palagay na agad ang loob ko kahit nung una pa.
Bihira raw ang ganito.
Basta alam ko, mahal rin kita.

2 Comments:

At 2:54 PM , Anonymous Anonymous said...

ikaw ay tulad ng isang sariwang umaga, bagong bukang sampaguita at dampi ng malamig na hangin na nag bibigay sa akin ng ginhawa.

Mahal na mahal kita.. :-)

 
At 9:09 PM , Blogger Unknown said...

so this is the blog entry! :)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home