Sa Bukstor
Pumunta 'ko sa National Bookstore kahapon para bumili ng kard at para doon ko na rin antayin si Ate. Sa kahihintay, nakita ko yung "The Last Temptation of Christ" ni Nikos Kazantsakis. Isa 'to sa mga nobela na pinagpilian namin nung nag-major ako ng Lit. Yun kasi yung 1st choice ko sa pag-report. Kaya lang sabi ni Ma, na-ban raw yung libro dito sa Pinas nung panahon ni Marcos, kaya bagama't hindi ko siya nahanap noon, hindi pa rin nawala ang pagka-intriga ko dito.Tumungo ako sa Powerbooks dahil alam kong meron din sila nito. Atsaka naalala kong meron nga pala akong Track Card, para masulit naman. Malay mo mapuno ko rin yun! Magiging Powerbooks Club member ako kung nagkataon. May isa kasi akong ka-opisina na nakapuno na nung Track Card. Siya yung geek na mahilig sa collectibles tulad ng books, CDs and toys.
Sa tagal ko sa Powerbooks, napabili pa ko ng dalawang libro ni Bob Ong, ABNKKBSNPLAKO at Bakit Baligtad Magabasa ang mga Pinoy. Ipapadala ko yun sa States. Bukas na alis ng pinsan ko papuntang US para dumalo sa kaarawan ng Daddy niya.
Nagsimula nang kumalam ang tiyan ko. Mag-aalasiete na kasi ng gabi, wala pa ring text mula kay Ate. So tumambay muna ko sa Children's section. Matagal ko na kasing balak kolektahin yung Chronicles of Narnia ni C.S. Lewis. 7 books yon and around P1500 yung isang set ng mga small na paperback edition. Gusto ko sana yung mas malaking version pero hindi naman kumpleto yung nakadisplay.
Naku! Medyo nahihilo na ko! Ang tagal ni Ateee!!! Tapos, bigla nag-ring yung celfon ko. Paalis na sila ng carpark, daanan na lang daw ako para iabot yung pictures. Siempre naimbyerna ako kasi, buong akala ko eh magkikita kami ni Ate para tulungan ko siyang pumili ng mga pictures. Susmaryosep! I was really pissed off kasi ang tagal niya kong pinag-antay. Sana pinadaan na lang niya ko sa office niya para hindi nasayang oras ko!
Arrggghh!!! So the moral of the story is... ay ewan! Basta alam ko, nalilibang ako sa bukstor. Ok lang sa kin and magpalipas oras dun. Yun nga lang, madalas eh napapabili ako o di kaya, humahaba yung listahan ko ng mga "must have" na libro. Kung sa ibang tao, sa damit, sapatos o CD sila nagsusunog ng pera, ako sa libro.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home