Miss Ko Na Yung Dati
Kasi, kapag nagugutom ako.. alam ko na agad na si Jas ang takbuhan ko.Kapag naman subsob ako sa trabaho.. alam ko na merong petiks lang na ka-opisina ko. So ayun, di ko gaanong feel ang pagiging toxic kasi sa kabilang ibayo, may mga nanonood ng anime at korean soap. At dahil dun, naiisip ko na lang na darating din ako sa ganung phase. Pana-panahon lang naman ang bagsak ng workload.
Masaya kasi creative mga tao doon. San ka pa nakakita ng mga nakakalibang na poster, video o gif ng mga kasalamuha mo sa opis.. bigla na lang itong bumubulaga sa 'yo.
Maraming makulit.. malay ko ba na ma-mimiss ko mga kakulitan nila.
Marami rin kasi akong magagandang alaala dun sa iniwan kong opisina. Siempre iba na ngayon. Iba na rin ang mundong ginagalawan ko. Siguro, mapalad ako't marami akong magagandang alaala doon.
Miss ko na nga kayo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home